Sundan at i-fill up kinaukulang form. Ginawa ang mga forms na ito para mapabilis ang proseso at makapag trabaho na kayo sa Saudi Arabia sa lalong madaling panahon.
Wag magsinungaling sa forms. Kung palagay ninyong mas mapapabilis ang proseso kung mag sisinungaling kayo, ay malaking pagkakamali iyon.
Mag declare ng tama para mapabilis ang inyong application.
COBIL ang magbabayad ng lahat ng processing fees kasama ang TESDA, medical, ticket, kasama ang pamasahe, atbp. Wala babayaran ang aplikante at WALANG SALARY DEDUCTION.
COBIL rin ang magbabayad ng fees para masundan ang COVID protocols ng Pilipinas at Saudi Arabia.
Maglalabas lang ng pang gastos ang COBIL kung hawak na ang inyong passport at pwede na itong i-register na MUSANED system ng Saudi Arabia.
Kung walang pang valid passport, COBIL ang mag schedule ng DFA appointment sa aming portal pero aplikante muna ang mag babayad.
Paki note nalang ang pamasahe ATBP gastusin at i-refund ng COBIL pag hawak na ang passport.
Sa ngayon, walang ibang paraan ang COBIL na umiwas sa gustong magpa libre ng passport kaya pasensya na pero passport muna.
May libreng lodging COBIL para sa aplikanteng walang matitirahan habang nag papa process. Hindi kayo naka kulong at hindi kayo pag ta trabahuin para sa kapakanan lamang ng ibang tao.
Kailangan lamang sundin ang mga house-rules at covid protocols para sa kapakanan ng aplikante at may ari ng bahay.
Domestic Helper / NANNY
First-timer:
- Age: 23-46 years old.
Ex-Saudi/Ex-Abroad:
- Age: 25 to 48 years old.
Mga kadalasang trabaho ng HSW:
- Paghanda ng pagkain.
- Mag dilig.
- Mag walis at mag vaccume.
- Mag laba
- Mag plantsa.
*Hindi kinakailangan graduate ng high-school or meron experience pero kailangan pumasa kayo sa TESDA training.at assessment sa pag-linis ng bahay. Basta willing to learn, papasa kayo sa assessment.
**Kung hindi talaga kayang mag-alaga ng bata dahil natatakot kayo, hindi kayo ilalagay bilang Nanny. Kailangan marunong kayo mag luto kahit kaunti.
***Kung hindi kayo marunong magluto, hindi kayo ilalagay bilang tagapag luto at kailangan marunong kayo mag alaga ng bata man lang.
Unang una, depende yan sa COVID restrictions at kung may schedule ang mga ahensya ng gobyerno dito sa Pilipinas at sa Philippine Labor office sa Saudi Arabia, pati narin sa embahada ng Saudi Arabia dito sa Pilipinas. Kung mataas ang restriction level at kulang ang tao na mag process, mapapabagal ang inyong processing.
Pero, dahil may passport na kayo, pipilitin natin na makaalis kayo within 60 days mula sa pag submit ninyo ng passport sa COBIL.
Kung nasa COBIL na ang inyong passport at binigyan ninyo ng pahintulot na i-register kayo sa MUSANED system, pwedeng COBIL na ang magbabayad ng pamasahe at iba pang processing fees.
Depende kung saang lugar kayo, dahil may mga probinsya na dyan na kayo mag medical, TESDA, or mag renew ng passport na COBIL na ang magpapa schedule.
WALA. Ang cash-assistance ay isang modus sa pag hikayat sa isang aplikante. Madalas ay utang ito mula sa isang lending company at madalas ring mas mataas pa sa 5-6 ang interest.
Ang POEA ay may WARNING sa ganitong modus. Ang ginagawa ay sasabihin na "cash-advance" sabay pirma ng utang, pagkatapos ay aplikante ang pagbabayarin sa medical at iba pang gastos.
Kung may agency na mag offer ng cash-advance, iwasan nyo na kase walang matinong agency ang mag-offer nito.
Hindi ibig sabihin nito na bawal ang umutang at walang legit na loan company para sa mga OFW. Meron naman, at ang pangunahing requirement ay ang inyong OEC (Overseas Employment Contract) na makukuha ninyo lang bago kayo isyuhan ng ticket papaalis. Sa ganitong paraan, sigurado kayong walang babayaran sa inyong processing at walang sisingilin sa inyo ang agency.
Gaya ng nakasaad sa POEA circular, bawal mag endorse ng loan company ang COBIL pero kung may mahanap kayong loan company at gusto ninyong mag loan para may maiwan ng kaunti sa inyong pamilya bago umalis, pwede ninyo hingin ang copy ng inyong OEC sa COBIL.
Wag umutang ng masyadong malaki..mahirap ang nag iisip na meron kayong utang at nakabalik na kayo ng Pilipinas.
2 years.
Ang pinaka unang gagawin sa pag apply bilang Household Service Worker sa ibang bansa ay alamin kung registered at may valid license sa POEA (Philippine Overseas Employment Agency) ang agency na inyong pinag aaplayan.
1. Visit: https://poea.gov.ph
2. Pumunta sa Tab na "LICENSED RECRUITMENT AGENCIES".
3. Pumunta sa Search TAB na "STATUS OF RECRUITMENT AGENCIES" (Kulay RED usually ang tab) at ilagay ang "COBIL".
4. Pag dating sa main search page, pindutin ang "ALL LICENSED RECRUITMENT AGECIES", type COBIL at mag-search.
Eto ang makikitang report ng ulok sa COBIL.
Certificate of Renewal ng COBIL na issued ng POEA.
Mga site-TIPS sa pag gamit ng cobilrecruitment.com website:
- Buksan ang page na ito sa CHROME BROWSER.
- Kung na sa Chrome Browser, pwede na kayong bumalik sa messenger at hindi mawawala ang tapos nyo nang ma input kung hindi nyo close ang page.
- 20MB ang maximum na file size ng isang upload.
Our website uses cookies for better user experience. Read more